Kung dati, todo-iwas... ANDRE, PUMAYAG NANG MAGPAPIKTYUR KASAMA ANG IBANG KAPATID KAY JACKIE
- Nitz Miralles
- May 25, 2020
- 1 min read

Nitz Miralles / Bida
Siguradong ang saya-saya ni Jackie Forster dahil finally, nakumpleto rin ang kanyang mga anak --- dalawa kay Benjie Paras at tatlo sa bago niyang karelasyon --- pati ang elusive na si Andre Paras.
Nangyari ito sa birthday ng youngest niyang si Yohan, dumalo si Andre at ‘yun na, may photo ang limang magkakapatid na matagal hinintay ni Jackie.
Kapag na-interview si Andre, siguradong matatanong ang isa sa cast ng Descendants of the Sun sa pagsasama-sama nilang magkakapatid sa isang litrato. Lagi kasing natatanong si Andre kung bakit absent siya sa family event sa side ni Jackie at ang laging isinasagot, maghintay lang at darating din ang inaabangan ng maraming tsismosa.
Ang isa pa nitong sagot, dumarating siya sa event ng family ni Jackie, hindi lang siya sumasama sa picture taking. Well, finally, nakumpleto rin sila at tiyak na ikinatuwa rin ito ni Kobe Paras.





Comments