DOLE, OWWA at DOH, may 1 week ultimatum... 24,000 OFWs na nasa M. Mla. at naghihintay ng resulta ng
- Mylene Alfonso
- May 25, 2020
- 1 min read

Binigyan ng isang linggo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Labor and Employment (DOLE), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Department of Health (DOH) para matiyak na mapauwi na ang 24,000 na mga overseas Filipino workers na nasa Metro Manila at naghihintay ng resulta sa COVID-19 test upang mapauwi na sa kani-kanilang mga probinsiya.
"Sinabi po ng ating Presidente, ngayong umaga mga ala-una y medya na puwede nilang gamitin ang lahat ng resources ng gobyerno at gamitin nila ang lahat ng pamamaraan ng trasportasyon," wika ni Presidential Spokesman Harry Roque.
Kabilang aniya rito ang bus, eroplano at barko para mapauwi na ang mga OFWs.
Sinabi rin ni Roque na nais din ng Pangulo na palakasin na ang PCR testing sa iba't ibang lugar ng Pilipinas, hindi lamang dito sa Metro Manila upang sa ganon ay maaari nang makauwi diretso sa kanilang mga probinsiya ang OFWs at doon na magpakuha ng PCR COVID-19 test.
Ayon pa kay Roque, hindi umano katanggap-tanggap para sa pangulo na napakatagal nang na-swab ang mga OFWs at napakatagal nang paglabas ng kanilang resulta.
"Dapat lahat sila ay mabibigyan nung certificate na sila po ay meron ng clearance dahil natapos na ang kanilang PCR testing. Hindi na po inalam ng Presidente kung bakit nagtagal 'yung resulta. Ang sabi niya lang isang linggo otherwise maraming mananagot," giit pa ni Roque.





Comments