top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

ANGEL, TODO-PUSH SA MASS TESTING, BINARA NG NETIZEN NA WALANG COMMON SENSE, NAPIKON, RUMESBAK

  • Beth Gelena
  • May 25, 2020
  • 2 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

BINIGYANG-kulay ng netizens ang tweet ni Angel Locsin hinggil sa pagtatanong ng Kapamilya actress sa inanunsiyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque about mass testing.

Sa press briefings na ginanap sa Malacañang kamakailan, sinabi ni Roque na walang plano ang gobyerno tungkol sa mass testing para ma-detect ang mga may COVID-19.

“As much as possible, ini-increase natin ang capacity ng testing kaya nga we’re aiming na aabot tayo sa 30,000 (a day), pero in terms sa mass testing na ginagawa ng Wuhan na all 11 million (residents), wala pa pong ganyang programa at iniiwan natin ‘yan sa pribadong sector.”

Disagree si Angel sa sinabi ni Roque dahil siya at ang kaibigang si Anne Curtis ay may advocacy na i-push ang mass testing sa bansa.

Kaya post ni Angel sa kanyang social media account: “Misquote lang ba ‘to? Kasi hindi ako makapaniwalang hindi tayo nagpe-prepare for mass testing na kailangang-kailangan ngayon.”

Isang netizen named Kevin Madali ang nag-react sa ipinost ng Kapamilya actress.

Aniya, “Ipagpalagay nating ikaw ang pangulo, Ms. Angel, tapos meron kang 110 Million na tao sa bansa mo at lahat sila, nagde-demand ng mass testing. Pero alam mo sa sarili mo na hindi kakayanin ng health care system na meron ka na gawin ‘yun dahil limitado lang ang kaya n’yong mai-test. Ano ang gagawin mo? Sa’n ka kukuha ng 110 Million na test kits?”

Dagdag pa ng netizen: “We salute you for always helping those people in need in times of disaster. Pero sana, kapag nagbibigay kayong mga artista ng sentiments n’yo, ginagamitan n’yo rin ng utak.”

Ang reaction ni Kevin ay sinegundahan ng isa pang netizen.

“Read, oh. Common sense at research din paminsan-minsan. ‘Wag Magmamarunong! #MassTestingNow #MassTestingNowPH.”

Hindi nakapagpigil ang actress at sinagot ang netizen.

“Ang lakas ng loob mong magsabi ng common sense, eh, hindi mo nga alam ang meaning ng ‘mass.’ Hay. Kung may mass burial ba na gagawin, kasama ka ba sa ililibing bilang buong 110M ng population ang inilalaban mo? Hindi naman, ‘di ba? So, ano’ng ikinagagalit mo? Kumalma ka.”

Sina Angel at Anne, kasama ang ilan pang celebrities ay nag-decide na i-relaunch ang kanilang Shop and Share project para maka-raise ng pondo na maipambibili ng testing kits for COVID-19 mass testing.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page