WILLIE, ‘DI NAGPA-PANIC KAHIT STOP ANG SHOW DAHIL SA BILYONG NAIPON
- Erlinda Rapadas
- May 24, 2020
- 1 min read

Erlinda Rapadas / Teka Nga
Dahil sigurista at milyun-milyon na ang naipundar na kabuhayan, Willie Revillame hindi nagpa-panic kahit may lockdwon at COVID pandemic!
Daig pa ng TV host-comedian na si Willie Revillame ang isang boy scout na laging handa sa anumang krisis o matinding pagsubok na dumarating. Ang hirap na dinanas niya noong nagsisimula pa lamang siyang pumasok sa showbiz ay nagsilbing leksiyon at gabay niya nang mabigyan ng big break at siya ay suwertehin sa buhay.
Kinarir niya noon ang pagho-host ng Wowowee na umere dati sa ABS-CBN. Noontime show ‘yun na pumatok nang husto at pinasok ng malalaking sponsors.
Nang mahinto ang suwerte ni Revillame, napunta naman sa TV5 ang Wowowillie. At ngayon, nasa GMA Network na siya sa programang Wowowin na naka-limang taon nang umeere.
Sa panahon ng pamamayagpag ni Willie Revillame bilang host/producer ng game show ay natuto siyang mag-impok at mag-invest sa mga properties. May mga nabili na siyang prime properties. May ipinatayo siyang malaking hotel sa Tagaytay. Nakabili rin siya ng mala-Boracay na resort sa Puerto Galera sa Mindoro.
Meron siyang Wil Tower atbp. negosyo. Bilyon na ang kanyang assets. Kaya naman, kahit may lockdown at COVID pandemic, hindi siya nagpa-panic dahil nakapag-ipon na siya. Pero isine-share naman niya ito at nagdo-donate sa Kapuso Foundation.





Comments