top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

MGA KAPWA ARTISTA AT FANS, SHOCKED SA IDINISPLEY NA KATAWAN NI ALDEN

  • Nitz Miralles
  • May 24, 2020
  • 1 min read

Nitz Miralles / Bida

Resulta ng hard work at ecq ang pagganda ng katawan ni Alden Richards na hinangaan ng mga nakakita sa ipinost niyang photo sa Instagram. Sa nasabing litrato, topless si Alden, naka-side view pero kitang-kita ang six-pack abs.

Makikita rin sa litrato ang namumutok na muscles ni Alden sa upper arm na biceps daw ang tawag. Pati sina Jackielou Blanco at Rodjun Cruz na parehong nagwo-workout, humanga sa biglang ganda ng katawan ni Alden.

Bale ba, kapag tinatanong si Alden kung ready na siyang ipakita ang katawan niya bilang endorser sila ni Nadine Lustre ng Century Tuna, ang lagi nitong isinasagot ay hindi siya nakakapag-workout dahil sarado ang mga gym. ‘Yun pala, may sorpresa siya sa kanyang mga followers na biglang naghingian ng kanin dahil may ulam na raw sila kay Alden. Mayroon namang ikinumpara sa pandesal ang abs ng aktor.

Kapag natuloy ang grand reveal ng Century Tuna kung saan ipapakilala sina Alden at Nadine as its endorsers, mas maganda pa siguro ang katawan ni Alden.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page