top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

MEGAN, UMAMING PINAGSELOSAN SI ANDREA NANG IHATID SA BAHAY NI MIKAEL

  • Nitz Miralles
  • May 24, 2020
  • 1 min read

Nitz Miralles / Bida

Ang daming nabubuking sa podcast nina Mikael Daez at Megan Young lalo na sa kanilang relasyon na nakakatuwa. Gaya na lamang nang mabanggit ni Megan na there was a time na pinagselosan niya si Andrea Torres na for sometime, naka-love team ni Mikael.

Naikuwento kasi ni Mikael sa kanya na may bago siyang ka-love team, si Andrea nga at para mas makilala niya ang aktres at para mag-work ang love team nila, minsan, inihatid niya ito sa kanilang bahay pagkatapos ng kanilang mall show.

Hindi naiwasang magselos ni Megan dahil maganda at sexy si Andrea and that time, nasa ABS-CBN pa siya, hindi niya matse-check si Mikael. It turned out na wala siyang dapat ipagselos dahil nananatiling loyal sa kanya si Mikael at ngayon nga’y kasal na silang dalawa.

Si Andrea naman that time, loyal kay Sef Cadayona at hanggang love team lang talaga sila ni Mikael. Of course, ngayon ay si Derek Ramsay na ang dyowa ni Andrea.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page