Idinamay sa pagsasara ng ABS-CBN... CARLA, TINAWAG NA BOBO AT TANGA, GUSTO PANG PASABUGIN NG NETIZEN
- Nitz Miralles
- May 24, 2020
- 2 min read

Nitz Miralles / Bida
Galit na galit kay Carla Abellana ang isang netizen dahil sa pagkakasara ng ABS-CBN at sa IG Story pa ng aktres pumasok ang message nito na ang sabi: “Mga ul*l kayo, mga salot na Kapuso, mga walang pinag-aralan at manloloko kayong lahat. Sana mapasara rin kayo para magbunyi rin kaming mga Kapamilya, damay-damay na ‘to. Wala kayong kuwenta, mga b*bo kayo, t*nga, walang pinag-aralan. Pasabugin sana kayo, mga hayup kayo @carlaangeline f*ck you all!”
Comment ni Carla, “So much hostility for the morning” at “I know he only wants attention and he doesn’t mean it at all, but I can’t help but feel so sad for people like him.”
Nakakatawa at nakakaawa ang basher dahil si Carla pa talaga ang inaway at pinagsabihang b*bo at walang pinag-aralan, eh, graduate sa La Salle ang aktres and with honors pa. Pero mabuting hindi na siya pinatulan ni Carla at naawa pa sa kanya ang aktres.
Ang hindi lang maganda, pinag-aaway ng netizen na si Benjie Lagahit II ang Kapamilya at Kapuso fans. Siyempre, sasagot ang Kapuso fans at dito na magsisimula ang palitan ng masasamang salita.
Speaking of Carla, sabi nito, ang rerun ng comedy show nila nina Ryan Agoncillo na Ismol Family ay sa GMA Pinoy TV mapapanood at hindi sa GMA-7. Gusto pa naman ng mga Kapuso viewers na muling mapanood ang sitcom, pero sa GMA Pinoy TV pala ang airing nito.
Sabagay, napapanood pa rin naman si Carla sa Kapuso Network sa My Husband’s Lover kasama sina Tom Rodriguez, Dennis Trillo, Kevin Santos, Kuh Ledesma, Roi Vinzon, Karel Marquez at Glydel Mercado. This week, mapapanood si Keempee de Leon as Zandro, ang gay cousin ni Vincent (Tom).





Comments