Dalagang dapat lumabas sa mga inirerekomendang petsa dahil sure na makikilala ang future BF
- Maestro Honorio Ong
- May 24, 2020
- 2 min read
Dear Maestro,
Naisipan kong sumanguni sa iyo dahil gusto kong malaman kung kailan ako magkaka-boyfriend at makapag-aasawa? Sa totoo lang, hindi pa ako nagkaka-boyfriend kahit kailan, kaya sana ay maanalisa ninyo ang aking kapalaran, lalo na sa love life. November 7, 1991 ang birthday ko.
Umasa,
Ms. Scorpio ng Bagong Tubig, Calaca, Batangas
Dear Ms. Scorpio,
Ayon sa birth date mong 7 sa destiny number na 2, (11+7+1991=2009/ 20+09=29/ 2+9=11/ 1+1=2) sa zodiac sign na Scorpio, kahit na weak ang birth date mong 7 at destiny number mong 2, mapalad ka pa rin dahil pinagkalooban ka ng strong o malakas na zodiac sign na Scorpio na may ruling planet na Mars. Ibig sabihin, hindi mananatiling tag-alat ang buhay mo sa larangan ng pag-ibig at pakikipag-relasyon dahil ang planetang Mars o ang zodiac sign na Scorpio ay kikilos at kikilos upang magkaroon ka ng special someone at maligayang love life.
Ang zodiac sign mong Scorpio ay nagsasabing upang magkaboyfriend ka at magkaroon ng masayang relasyon, palagi kang makipagkaibigan sa mga lalaking isinilang sa zodiac sign na Cancer, Pisces, Taurus at kapwa mo Scorpio higit lalo silang may birth date na 2, 11, 20, 29, 1, 10, 19, 28, 4, 13, 22, 31, 7, 16 at 25. Sa piling ng mga lalaking nabanggit, bukod sa makakaranas ka ng masayang pakikipagrelasyon, ito ay magiging maunlad at panghabambuhay na.
Kusa namang iigting ang mabuting kapalaran mula sa ika-18 ng Oktubre hanggang sa ika-28 ng Nobyembre, mula sa ika-18 ng Pebrero hanggang sa ika-28 ng Abril at mula sa ika-18 ng Hunyo hanggang sa ika-28 ng Hulyo. Sa nasabing mga panahon, maglalabas ka ng bahay dahil sa mga panahong ito maaaring dumating na sa buhay mo ang magiging boyfriend mo at makakasama habambuhay.
Bukod sa nasabing mga petsa, mapalad ka rin tuwing sasapit ang mga araw ng Linggo, Lunes at Martes, higit lalo kung magsusuot ka at laging gagamit ng kulay na berde at pula. Ang batong topaz na ipalalamuti sa gold o gintong singsing ang magsisilbi namang pantaboy ng kamalasan at taga-higop ng positibo at magagandang kapalaran.
Habang, ayon sa iyong Love Calendar, sa 2021, bago sumapit ang edad mong 30, tiyak ang magaganap— makaka-boyfriend ka na, hatid ng lalaking isinilang sa zodiac sign na Cancer na magdudulot ng mainit at romantikong relasyon, na hahantong sa maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.




Comments