ALLAN K., WA’ NANG KAYOD BILANG TV HOST, MGA NEGOSYONG COMEDY BARS, NAGSARA PA
- Erlinda Rapadas
- May 24, 2020
- 1 min read

Erlinda Rapadas / Teka Nga
Allan K, isinara na ang kanyang negosyong comedy bars!
NAGING praktikal sa buhay ang comedian-Eat… Bulaga! host na si Allan K. kaya kahit na mabigat sa loob niya ay kanya munang inihinto/isinara ang kanyang mga comedy bars.
Maraming standup comedians ang nawalan ng hanapbuhay dahil sa pagsasara ng mga comedy bars ni Allan K.. Wala na silang venue kung saan puwede silang mag-show. Pero, naintindihan nila ang sitwasyon dahil sa paglaganap ng COVID pandemic.
Maraming negosyo ang naapektuhan. Ang mundo ng pelikula, maging ng telebisyon ay pansamantala ring nagkaroon ng pagbabago. Natigil ang shooting at teyping ng mga serye.
Malaki ang nawala kay Allan K. nang hindi na nagso-show nang live ang Eat… Bulaga!. Dati-rati, marami rin siyang shows abroad pero dahil sa COVID-19 ay natigil ang lahat ng kanyang pinagkakakitaan.
Ang malaki niyang bahay na ipinagawa ay naibenta na niya bago pa nag-ECQ at pinili na lamang niya ang tumira sa isang mas maliit na bahay.
Actually, hindi naman maghihirap si Allan K. kahit na hindi pa bumalik ang normal na sitwasyon ng showbiz sa taong ito (2020). May naisubi naman siya na bubuhay sa kanya. At isang wise decision na kanyang ginawa ay isara muna ang kanyang mga comedy bars dahil gipit pa sa pera ang mga tao ngayon.





Comments