JOYCE, UMAMING HINDI SI JUANCHO ANG KARAMAY 'PAG INAATAKE NG ANXIETY
- Erlinda Rapadas
- May 23, 2020
- 1 min read

Erlinda Rapadas / Teka Nga
Taong 2018 pa raw dumaranas ang TV host na si Joyce Pring ng anxiety attacks na hindi niya alam kung ano ang dahilan. Pero dahil sa kanyang pet dog na si Bowie na nararamdaman kung inaatake na siya ng anxiety ay na-overcome niya ang kanyang kalungkutan at depression.
Ang alagang aso ay itinuturing ni Joyce Pring na isang anghel na nakabantay at dumaramay sa kanya sa panahon na inaatake siya ng anxiety.
For sure, ngayon na mag-asawa na sila ni Juancho Triviño at may nakakasama na siya at nakakaramay kapag siya ay nakakaramdam ng kalungkutan, hindi na makakaranas ng anxiety attack ang isa sa Stand for Truth hosts. Si Juancho ang magsisilbing "clown" na aaliw sa kanya at magbibigay ng moral support.
Kailangan ding tulungan ni Joyce ang sarili upang tuluyan nang makawala sa kanyang anxiety attack. Kailangan na lagi siyang masaya at positibo ang outlook sa buhay. Dapat ay magkaroon ng mga taong masasaya sa kanyang paligid.





Comments