top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Mayo 23, 2020 (Sabado)

  • Maestro Honorio Ong
  • May 23, 2020
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Mayo 23, 2020 (Sabado): Sa negosyo ka yayaman. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi ka tumatagal sa pamamasukan, kaya dapat ay magnegosyo ka.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ikaw ay magkikitang inip na inip na. Ang hindi nakikitang dahilan ay nasasagap ng sarili mo na mabilis kang aasenso kapag ganap nang malaya at regular na ang takbo ng buhay. Masuwerteng kulay-red.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Piliin mo ang pagkakaunawaan kaysa sa walang katapusang usapan. Ikaw na ang umunawa sa hindi makaunawa. Ito ang simpleng paraan sa matahimik na buhay. Masuwerteng kulay-brown.

GEMINI (May 21-June 20) - Tutukan mo pa rin ang mga gawaing bahay dahil hindi maman masama ang paulit-ulit na paglilinis. Ang hindi maganda ay makita kang nalulungkot dahil hindi makalabas. Masuwerteng kulay-white.

CANCER (June 21-July 22) - Hindi man biglaan pero natatanaw na ang utos na bawal lumabas ng bahay ay tanggalin na. Ihanda mo ang iyong sarili na kailangan mo pa ring maging maingat at sumunod sa awtoridad. Masuwerteng kulay-green.

LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong takutin ang sarili mo. Ang mga anino ng negatibong pananaw ay walang laman at buto. Tulad lang sila ng mga multo na kapag ‘di pinansin ay nawawala rin. Masuwerteng kulay-yellow.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Umaapaw ang diwa mo sa maraming magagandang ideya. Ibahagi mo sa iba ang mga ito at kung sakaling umasenso ang buhay nila, magiging masaya ka rin. Ito ang mensehe para sa iyo. Mauswerteng kulay-purple.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bawal lumabas ng bahay at kung lalabag ka, huwag kang magugulat kapag nakapalagayang-loob mo sisita sa iyo at sa huli ay puwedeng maging kayo na. Masuwerteng kulay-pink.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mabibigla ka dahil sa una, inakala mong mauubos ang hawak mo, pero ang nangyayari ay nakakatipid ka pa. Ang isa pang pero, huwag mong naising magtagal ang sitwasyon. Masuwerteng kulay-beige.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ngayong malapit nang luwagan ang paghihigpit, dapat ding luwagan mo ang iyong buhay kung saan ang mga tao sa ibaba mo ay mas uunawain mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ilang mga araw na lang, ganap nang babalik ang panahon na ang negosyo ay kikita na muli. Pero tanggapin mong ito ay parang nagsisimula sa una na dahan-dahan ang pagsulong. Masuwerteng kulay-black.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Masayahin ka noon pa man, pero hindi gaanong malakas ang iyong katawan. Higit kailanman, ang pag-iingat ay iyong isabuhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakatutuwa ang madalas mangyari sa iyo na nakakapulot ka ng kung anu-ano. Sa pagbabalik ng kalayaan, ganu’n muli, makikitang ang mga suwerte mo ay pinupulot mo. Masuwerteng kulay-peach.

![endif]--![endif]--

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page