WILLIE, TINITILIAN 'DI DAHIL POGI KUNDI NAMUMUDMOD NG DATUNG
- Erlinda Rapadas
- May 22, 2020
- 1 min read

Erlinda Rapadas / Teka Nga
Nang lumaganap ang COVID-19 at ipinatigil pansamantala ang pagkakaroon ng studio audience ng mga shows ng GMA Network, isa ang game show na Wowowin sa mga sumunod sa ECQ guidelines.
At hanggang nang abutin na nga ng lockdown at hindi na magawang pumasok ng staff ng show at ng host na si Willie Revillame — na inabot pa ng lockdown sa kanyang resort sa Puerto Galera — ginawan niya ng paraan upang kahit na sa FB Live ay mapasaya pa rin niya ang mga loyal viewers ng Wowowin.
Nagkaroon ng Tutok to Win kung saan may chance ang mga viewers na manalo ng cash prizes kapag sila ay matawagan ni Revillame. Mistulang nabigyan na ng instant ayuda ang mga lucky viewers na mabibigyan ng P5 K, P10 K at P50 K.
Aminado naman si Willie Revillame na kaya top rated ang Wowowin's Tutok to Win ay dahil sa cash na kanyang ipinamimigay sa show. Panay ang tili ng mga viewers kapag napapanood na si Revillame. Tumitili sila hindi dahil sa kapogian ng TV host kundi dahil sa ipamumudmod niyang datung sa mga tatawagang lucky viewers na nagpa-register.





Comments