top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Unibersidad at kolehiyo, hindi na magsasagawa ng entrance exam

  • BRT
  • May 22, 2020
  • 1 min read

Ilang unibersidad at kolehiyo sa bansa ang hindi na magsasagawa ng entrance examinations.

Ayon kay Commission on Higher Education Chairperson Prospero De Vera, ito ay kasunod na rin ng pagbabawal sa mass gathering dahil sa banta ng covid-19.

Ayon kay De Vera, wala namang uniform policy hinggil sa pagsasagawa ng entrance exam. Nakadepende aniya ito sa sitwasyon at availability ng transportasyon.

Sa ibang lugar aniya ay mayroong sinusundo at by batch na dinadala sa eskuwelahan kung saan sila mag-e-exam.

Gayunman, may ilan aniyang nagsasagawa ng physical o hybrid entrance exam.

Para naman sa mga hindi na magsasagawa ng entrance exam, ibabatay na lang umano ang admission sa grado ng mga estudyante at sa kursong inaaplayan ng estudyante.

Samantala, nakadepende umano sa mga unibersidad kung kailan sila magbubukaa ng klase. Pero para sa mga walang kakayahan na maglunsad ng full online courses, maaari lang silang magsimula ng klase sa Agosto.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page