top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Tiniyak ng DepEd... Gadgets, internet connections sa lahat ng estudyante at guro sa buong bansa

  • Madel Moratillo​
  • May 22, 2020
  • 1 min read

Tiniyak ng Department of Education na ginagawa nila ang lahat upang mabigyan ng gadgets at internet connection ang lahat ng estudyante at guro sa buong bansa.

Sa pagdinig sa Senado, sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na titiyakin nilang lahat ng guro ay mabibigyan ng mga laptop.

Tinatayang aabot sa mahigit 190 libong laptops ang target maipamahagi sa mga guro na sapat umano para sa mga guro sa pampublikong paaralan.

Batay sa pag-aaral ay may mahigit 93 libong guro sa pampublikong eskuwelahan sa bansa.

Sa bilang na ito, 11 porsiyento lang umano ang walang computer sa bahay.

Habang para naman sa mga estudyante, hinihikayat aniya nila ang mga nais mag-donate sa ilalim ng Brigada Eskwela na gadget na lang ang ibigay para sa mga estudyante.

Sa ilalim ng Brigada Eskwela, karaniwang ibinibigay ng mga donors ay school bags, papel at ballpen.

Pero ayon kay Briones, kung kakayanin ay gadgets na lamang ang ipamigay.

Ang mga gadget gaya ng computer o laptop at cellphone ay mahalaga para sa online learning na isa sa pinag-aaralang isulong ng DepEd sa ilalim ng New Normal dahil sa COVID-19.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page