top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

RHIAN, MAS TYPE NA NAGLALAKAD PAPUNTANG GROCERY KESA MAGDALA NG KOTSE

  • Vinia Vivar
  • May 22, 2020
  • 1 min read

Masaya ang Kapuso actress na si Rhian Ramos dahil kasalukuyang ipinapalabas ang Philippine adaptation ng Stairway to Heaven kung saan katambal niya si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Gayunman, marami na rin daw siyang nami-miss sa mga dati niyang ginagawa lalo na’t dalawang buwan na ring may enhanced community quarantine.

"Nami-miss kong makita 'yung sister ko, 'yung mommy ko dahil hindi ko sila kasama ngayon. May mga certain food na nami-miss ako na galing sa mga ibang restaurants. At saka 'yung mga workout classes! Gusto ko kasi 'yun before, eh. 'Yung 'pag nag-workout ka, may malaking group para competitive kayo. Ngayon, sinusubukan kong mag-workout sa bahay pero minsan, sa totoo lang, nakakatamad, eh," kuwento niya.

"Minsan nga, gusto ko, 'pag pupunta 'kong supermarket, hindi ko na dinadala 'yung kotse. Nilalakad ko na lang, tapos binabagalan ko 'yung lakad ko para lang maarawan. Sobrang miss ko lang lumabas. Saka siyempre, malaki siyang change sa usual life ko which is showbiz. You see hundreds of people everyday sa taping. Hundreds 'yung nakakausap mo everyday. Marami kang nakikilalang bagong tao araw-araw. Very different lang pero nakapag-adjust na rin. Two months na, eh," dagdag pa ni Rhian.

Samantala, patuloy na abangan ang Stairway To Heaven, Lunes hanggang Biyernes, 3:25 PM sa GMA Afternoon Prime.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page