SUPER TEKLA, YUMAMAN SA PAGIGING 'BADING'
- Erlinda Rapadas
- May 22, 2020
- 1 min read

Erlinda Rapadas / Teka Nga
Dahil sa kanyang hitsura at pagbibihis-babae kapag nasa mga shows siya ng GMA Network, marami ang nag-akala na certified gay ang comedian-host na si Super Tekla.
Nakilala at sumikat si Tekla sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Mahusay siyang mag-adlib at magaling ang timing sa comedy. Bukod sa kanyang natural na pagpapatawa, magaling ding kumanta si Super Tekla at nagagaya niya si Whitney Houston.
Nang iwan niya ang Wowowin, binigyan siya ng show kasama ang stand-up comedian na si Boobay, ang Boobay and Tekla Show (TBATS). Nagbida rin si Tekla sa isang pelikula ng GMA Films. Itinampok din noon sa Magpakailanman ang kanyang life story at ngayon, gaganap si Super Tekla bilang boksingero sa Yohan Golez story na tampok sa MPK, ang Kamao ng Beking Boksingero.
Napasabak noon si Yohan Golez sa ilang international boxing matches.
Well, sa mga interviews kay Super Tekla ay lagi niyang sinasabi na macho siya at hindi gay.
May anak siyang babae sa dati niyang karelasyon at maligaya siya ngayon sa kanyang love life.




Comments