Bigtime tulak pumalag dedo sa shootout
- BRT
- May 22, 2020
- 1 min read
Bulacan—Napatay ang isang bigtime na drug pusher nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Sta. Rita Bata, Sam Miguel.
Kinilala ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Nasrudin Ameril, nakatira sa naturang lalawigan.
Nabatid na dadakpin sana sa drug-bust operation si Ameril pero nanlaban ang suspek at pinagbabaril ang pulisya.
Kaagad gumanti ng putok ang mga awtoridad dahilan kaya napatay ang suspek.
Nakarekober ang pulisya ng kalibre .38 revolver, mga bala at 10 sachets ng shabu sa pinangyarihan ng insidente.





Comments