top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

'Pinas, nasa 1st wave pa lang ng COVID-19 — Palasyo

  • Mylene Alfonso​
  • May 21, 2020
  • 1 min read

Nilinaw ng Malacañang na nananatili sa first wave ang Coronavirus outbreak matapos na sabihin ni Health Secretary Francisco Duque III na nasa 2nd wave na ang bansa.

“Tayo po ngayon ay nasa first wave,” ani Presidential Spokesman Harry Roque sa virtual briefing sa Palasyo.

Sa kabila nito, naniniwala si Roque na hindi naman nagkamali si Duque sa kanyang pahayag dahil may kanya-kanya umano silang interpretasyon.

“Alam niyo po ang medisina, para ring mga abogado ‘yan, iisa lang ang batas namin (pero) iba iba ang interpretasyon. Ganyan din po siguro sa medisina, iisa ang siyensya, iisa ang datos, iba ang basa,” ani Roque.

Matatandaang sa pagdinig ng Senado, ibinunyag ni Duque na nasa 2nd wave na ng COVID-19 ang Pilipinas base sa mga data mula sa mga epidemiology experts.

Ang unang wave aniya ay nangyari noong katapusan ng Enero kung saan tatlong Chinese nationals ang nagpositibo sa sakit.

Nagsimula naman ang second wave noong Marso kung saan bago matapos ang buwan umabot na sa 10,000 ang kaso.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page