top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

MAX, TAKOT SA OSPITAL, SA INFLATABLE POOL NA LANG MANGANGANAK

  • Nitz Miralles
  • May 21, 2020
  • 1 min read

Nitz Miralles / Bida

Sa mga buntis na artista, isa si Max Collins sa malapit nang manganak dahil sa July na ang due date niya. Kaya naman, pinaghahandaan na nila ni Pancho Magno ang pagdating ng kanilang baby boy.

Sa IG Story, ipinakita ni Max ang pagdating ng baby stuff para sa kanilang first child at kasama ang crib at baby stroller. Alam na ring gumamit ni Max ng breast pump dahil magbe-breast feed siya.

Sa kanyang last interview, nabanggit na pumayag na ang kanyang OB-Gyne na sa bahay na lang siya manganak dahil takot si Max manganak sa ospital dahil sa Covid-19. May mga balita nga naman na bagong silang na baby na nahawahan ng virus.

Kasama pa sa mga inihahanda nina Max at Pancho ang baby's room. Nagbigay ng tour sa GMA-7 si Max ng magiging baby’s room ng kanilang panganay at ang mga gamit at damit na bigay ng kanilang mga kaibigan, kabilang ang damit na bigay ni Andrea Torres.

Ipinakita rin ni Max ang inflatable pool kung saan siya manganganak at tuluy-tuloy ang panonood nila ni Pancho ng online gentle home birth classes bilang paghahanda sa delivery day ni Max.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page