top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Dapat pa bang i-memorize kung sino ang nag-utos kay Cayetano para bawiin ang provisional franchise s

  • Pabs Hernandez III
  • May 21, 2020
  • 2 min read

SINONG NAG-UTOS KAY CAYETANO NA BAWIIN ANG PROVISIONAL FRANCHISE SA ABS-CBN?—Nagulat ang publiko nang bawiin ni Speaker Alan Cayetano ang inihain nitong 6-months provisional franchise sa ABS-CBN sa katuwiran na napagpasyahan ng mga kasamahan niya sa Kongreso na ang 25-years franchise renewal na ang dinggin kung dapat o hindi dapat i-renew ang prangkisa ng Kapamilya network.

Dahil d’yan, ang inaasahan sanang muling pagbabalik sa ere ng ABS-CBN at DZMM radio sa unang linggo ng Hunyo ay hindi na matutuloy.

Sa isyung ito, dapat pa bang i-memorize sino ang nag-utos kay Cayetano na bawiin ang inihain niyang 6-months provisional franchise sa ABS-CBN? Boom!

◘◘◘

COVID-19 MASS TESTING MUNA, SAKA NA ANG BAKUNA—Sakaling magkatotoo ang sinabi ni P-Duterte na magkakaroon na ng bakuna laban sa COVID-19 sa January 2021, ang unang babakunahan ay ang mga senior citizens at vulnerable persons.

Pambihira, eh, ang tagal pa niyan at hindi pa sure kung magkakaroon na ng bakuna next year, tapos ‘yan na ang pinaghahandaan ng gobyerno?

Ang panawagan ngayon ng publiko ay COVID-19 mass testing at hindi ang walang kasiguruhang bakuna, period!

◘◘◘

P-DUTERTE, FEELING HARI SA PAGDEPENSA KAY GEN. SINAS—Ang panawagan ng publiko ay sibakin sa posisyon si NCRPO Director Gen. Debold Sinas dahil sa paglabag nito sa enhanced community quarantine nang magdaos siya birthday party kahit na ipinagbabawal ang mass gathering sa panahon ng pandemyang coronavirus, pero hindi pumayag si P-Duterte at pinanatili ito sa puwesto.

‘Yan si P-Duterte, feeling hari na kung ano ang kanyang gusto niya, ‘yun ang masusunod at hindi ang kagustuhan ng sambayanan, boom!

◘◘◘

TITSER NA NAG-OFFER NG P50-M SA ULO NG PANGULO, NAKALAYA NA, PERO ANG “RICH” KUNONG SI ALYAS LEO MARCOS, KULONG PA RIN—Kahapon ay nakalaya nang magpiyansa ang titser na inaresto at kinasuhan dahil nag-post sa Facebook na magbibigay siya ng P50-M sa sinumang makakapatay sa Pangulo, pero ang nagpapakilalang “rich” na si Norman Mangusin aka “Francis Leo Marcos” na inaresto sa iba’t ibang kaso ay nakakulong pa hanggang ngayon.

Tila mas mapera ang titser kaysa kay Mangusin kasi ang titser nakapagpiyansa na pero si Mangusin, hindi pa! Ha-ha-ha!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page