21 miyembro ng NPA, sumurender
- BRT
- May 21, 2020
- 1 min read
South Cotabato—Nasa 21 miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa Bgy. Lambingi, Banga.
Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong rebelde na pawang nakabase sa naturang lalawigan.
Napag-alaman na isinuko rin ng mga rebelde ang mga dala nilang armas, bala sa subersibong dokumento sa tropa ng pamahalaan.
Ayon sa mga sumukong NPA, nagsasawa na sila sa pakikipaglaban sa gobyerno kaya nais na nilang magbagong-buhay.
Isinasailalim na ngayon sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong NPA.





Comments