Walang sintomas ng COVID-19, maituturing na "super virus spreaders" — DOH
- Madel Moratillo
- May 20, 2020
- 1 min read

Halos 90 porsiyento ng mga nagpositibo sa covid-19 sa Cebu City ay asymptomatic o walang sintomas ng virus.
Batay sa datos ng Department of Health-Region 7, sampung porsiyento lamang ng mga positibong kaso ng virus sa Cebu City ang nakitaan ng sintomas ng virus.
Kaya naman ayon sa DOH Region 7, ang mga asymptomatic covid positive na ito ay maikukunsidera bilang “super virus spreaders”.
Ang mga ito ay natukoy lamang na positibo sa virus matapos isailalim sa pagsusuri matapos ang ginagawang contact tracing.
Ganito rin umano ang senaryo sa Cebu City Jail kung saan 85 porsiyento ng mga inmates ang nagpositibo sa virus pero pawang asymptomatic ang mga ito.
Habang nasa 15 porsiyento lamang ang nagpositibo sa virus na mayroong nakitang sintomas. Ayon sa DOH Region 7, ang mga asymptomatic ay hindi alam na mayroon silang covid-19 at nakakapag-transmit ng virus sa mga kasama sa bahay o komunidad.
Maaari aniyang nakakalabas ang mga ito ng bahay kung sila ay mayroong quarantine pass.





Comments