Walang piyansa... Francis Leo Marcos, kulong sa human trafficking
- Mylene Alfonso
- May 20, 2020
- 1 min read

Hindi pa makakalaya ang online personality na si Norman Mangusin alyas Francis Leo Marcos dahil walang piyansa sa kanyang kasong Anti-Human Trafficking in Persons Act.
Ito ay sa kabila na may piyansa ang tatlo pa niyang kaso na paglabag sa Optometry Law, Exploitation and Abuse of Children and Women at Human Trafficking at Estafa.
Ayon kay Nick Suarez, chief ng NBI-PIO, nasa NBI Detention Facility si Marcos at nakahalo sa mga preso at walang ibinibigay na special treatment ang NBI sa kanya.
Nabatid na P20,000 ang piyansa ni Mangusin sa paglabag sa Optometry Law; P20,000 naman sa Human trafficking at Estafa at P24,000 naman sa RA 9262 o Exploitation and Abuse of Children and Women.
Una nang inaresto si Marcos ng mga ahente ng NBI dahil sa paglabag sa Optometry Law pero isinilbi na rin ang iba pang warrant of arrest na nakabinbin laban sa kanya.
Samantala, inaalam pa ng NBI ang talagang tunay na pangalan ni Marcos dahil nag-apply umano ito ng NBI clearance gamit ang pangalan na Norman Mangusin.




Comments