top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

'Pinas, inimbitahan ng China sa global clinical trial ng bakuna vs. COVID-19

  • BRT
  • May 20, 2020
  • 1 min read

Inimbitahan umano ang Pilipinas na sumali sa malawakang clinical trial ng isang pinag-aaralang bakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque, pinadalhan sila ng imbitasyon ng Chinese pharmaceutical company na Sinopharm Group na sumali sa nasabing trial.

May na-develop na umanong bakuna ang naturang kumpanya, na pinakamalakaing pharmaceutical firm sa China.

“Meron na pong sulat sa atin ang China, nag-alok na isama tayo sa kanilang global clinical trial for their newly developed vaccine,” ani Duque sa Senate hearing.

“Meron na po silang na-develop na vaccine e, pero ito po ay kinakailangang sumailalim sa mga clinical trials para masiguro po ang safety and efficacy.”

Matatandaang una nang sumali ang Pilipinas sa Solidarity trial ng World Health Organization, at clinical trial ng Japanese anti-flu drug na Avigan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page