top of page

Liquor ban sa Las Piñas, binawi na

  • Gina Pleñago
  • May 20, 2020
  • 1 min read

Inalis na ngayong araw, Mayo 20 ng Las Piñas City Government ang liquor ban sa lungsod sa harap ng ipinatutupad na modified enhanced community quarantine (MECQ).

Sa nilagdaang City Ordinance No.1693-20, Series of 2020 ni Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar, pinapayagan nang magbenta ang distributors, wholesalers o high-volume retailers hanggang low-volume retailers gaya ng grocery stores, sari-sari stores at convenience stores.

Paglilinaw ni Mayor Aguilar, ang pag-inom ng alak ay maaari lamang sa loob ng bahay at limitado sa mga miyembro ng pamilya.

Bawal imbitahan sa inuman ang mga kaibigan, kapitbahay o bisita.

Nakasaad sa guidelines ng pagpapatupad ng community quarantine na bawal ang operasyon ng mga establisimyento tulad ng mga restaurant, bar, club, hotel, panciteria at karinderya, kaya naman hindi rin sila pinahihintulutang magbenta at magsilbi ng alak.

Mahigpit ding ipinagbabawal ng lokal na pamahalaan ang pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar tulad ng kalsada, bangketa, parke, plaza, parkway at iba pang katulad na lugar.

Ang sinumang lalabag sa ordinansa ay papatawan ng karampatang parusa at multa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page