top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kung nu'ng una, palaban at hanap-away… COCO, TODO-PAKIUSAP NA SUNDIN ANG UTOS NG GOBYERNO

  • Beth Gelena
  • May 20, 2020
  • 1 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

Muli na namang narinig ang boses ni Coco Martin sa halos dalawang minutong pagbabahagi niya sa online program ng magdyowang Kim Molina at Jerald Napoles, ang Promdibate.

Pero this time, hindi ang saloobin ni Coco tungkol sa #LabanKapamilya ang narinig kundi babala para sa mga mamamayan.

Pinag-iingat ni Coco ang publiko at sinabing sundin ang mga regulasyon ng gobyerno.

Esplika pa ng aktor, wala pa raw nakikitang vaccine para sa virus ang buong mundo kaya nararapat daw talaga ang pag-iingat.

Ayon pa kay Coco, maging ang mga frontliners ay napapagod na rin at marami na ring mga namatay na doctor at nurses.

Panawagan niya, "Nakikiusap po kami sa lahat ng mga Filipino na sana po ay sumunod tayo sa panuntunan ng ating gobyerno. Hanggang ngayon po ay wala pa ring gamot laban sa virus na kumakalat sa buong mundo."

Sinabi rin niyang sumunod sa disiplinang inihahayag ng gobyerno at makipag-cooperate nang sa gayon ay hindi mahawa sa virus.

"Kaya, please, nakikiusap po kami, sana po ay sumunod na tayo," dagdag pa ng aktor.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page