top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Hindi na-inform ang publiko na may “freeze order” pala sa PNP, huwaw!

  • Ka Ambo
  • May 20, 2020
  • 1 min read

Inaresto na ang isang alyas Francis Leo Marcos.

Huh, sigurado ba kayo na siya nga ‘yan?

◘◘◘

NAKATUKLAS na ng gamot at bakua kontra COVID-19.

Pero, next year pa magagamit!

◘◘◘

MAY “freeze order” pala sa PNP.

Walang paglilipat ng tauhan.

Bakit hindi alam ng publiko?

◘◘◘

NAPUNO ang mga mall.

Marami ang sabik sa lakwatsa!

◘◘◘

MAS madaling disiplinahin ang hayop kaysa tao.

Ang hayop, kapag nasa kural—ay tanggap niyang ‘yun ang kanyang “normal”.

Sa tao, kahit ‘yung implementor ay lantarang pasaway, eh.

Ere pa kayang ordinaryong mamamayan?

◘◘◘

HINDI masisisi ang ordinaryong mamamayan.

Kasi ‘yung hepe na lumabag, nag-sorry lang at hindi sinibak.

Tapos ‘yung ordinaryong tao—ay papagalitan ninyo?

◘◘◘

WALA nang moral ang PNP na magpatupad nang batas kapag hindi sinibak ang NCRPO chief.

Lumalabas na lokohan lang lahat!

◘◘◘

UMAASTANG “hari” ang nagpapatupad ng batas.

Paglabag ‘yan sa Konstitusyon!

◘◘◘

KAHIT ang lockdown ay paglabag sa Konstitusyon.

Inaalis ng lockdown ang “basic tenets” ng demokrasya—karapatan sa pagsasalita, karapatan bumiyahe, karapatan maghanap buhay para mabuhay, karapatan sa pananampalataya at marami pang iba!

◘◘◘

HINDI sinasabi sa Konstitusyon na kapag may epidemya—wala nang “ganap na karapatan” ang mamamayan.

Ang malaya lamang ay ang mga “awtoridad”.

Sige, mag-isip kayo nang malalim na malalim.

Buong daigdig ay ‘yan ang nararanasan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page