top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Alamin mula kay Señor... Dahilan kung bakit 50-50 ang pagsunod ng tao sa mga utos ng gobyerno

  • Sr. Socrates Magnus II
  • May 20, 2020
  • 2 min read

Bigyang-daan natin ang ilang bagay na puwedeng isabuhay ngayong may COVID-19 pandemic.

In na in ang salitang “social distancing” at ito na yata ang mananalo bilang most used words ngayong 2020. Sikat na sikat ito at lahat ay alam na alam ang ibig sabihin nito sa buong mundo.

Ang totoo, ang kawalan ng social distancing ang sinisisi kung bakit kumalat ang COVID-19. Ayon sa mga nagpapakilalang dalubhasa sa larangan ng kalusugan, ang tao ay dikit-dikit kaya nagkakahawaan sa sakit. Pero mapapansin na sa unang araw pa lang ng COVID-19 ay nagbabala na ang World Health Organization (WHO) na kapag hindi nagpatupad ng social distancing, ang COVID-19 ay hindi mapipigilan. Kaya lahat ng bansa, presidente, namumuno at namamahala ay nag-uutos na dapat magkaroon ng social distancing.

Pero ano ang nangyayari? Parang walang epekto ang utos na social distancing, pero sa totoo lang, mukhang tama naman na ang tao ay dapat maglayu-layo o huwag magdikit-dikit.

Maganda siguro kung tanungin natin ang the Bible kung ano nga ba ang dapat gawin ng tao. Mas maganda yata na si God na mismo ang hingan natin ng opinyon. Ang opinyon ni God ang Kanyang utos. Ano naman ito?

Nasusulat sa Bible na sinabi ni God pagkatapos Niyang likhain ang tao, “Magparami kayo at kalatan ninyo ang buong bundo.”

Kaso, half-half lang kung pakinggan ng tao si God, kumbaga, sinusunod ng tao ang utos ni God, pero hindi ganap o eksakto.

Minsan, sabi ni God kay Adam at Eve, huwag kayong kakain ng prutas sa gitna ng halamanan, pero nang sitahin sila ni God dahil kumain sila, ang sabi ng dalawa ay hindi sila kumain, sa halip, tinikman lang nila.

Nakakatawa at hindi kapani-paniwala, pero ito ang nakasulat sa orihinal na Aklat, kaya bilang kaparusahan kina Adam at Eve, half lang din ang damit na ibinigay sa kanila.

Nasusulat tungkol sa pagliligtas sa pamilya ni Noah ang utos ng anghel na magliligtas na huwag titingin sa likod habang umaalis sila sa bayan na ginugunaw ni God. Pero ‘yung asawa ni Lot ay pinagalitan ng anghel dahil sinabi nang bawal tumingin sa likod, pero tumingin pa rin siya. Ang pabalang na sagot ng babae ay hindi siya lumingon sa likod, bagkus, sumulyap lang siya. Kumbaga, ang kanyang pagtingin ay half lang dahil sulyap lang ang ginawa niya.

Siya ay pinarusahan ng anghel at naging haliging asin, pero hindi gaanong maalat tulad ng tunay na asin dahil sulyap din naman tunay na pagtingin.

Pero bakit nga ba tumingin sa likod ang babae? Ang totoo, labis na nag-aalala ang babae sa kanyang lihim na karelasyon na naiwan sa bayan na ginugunaw. Ang isa pang totoo, half lang din ang pagmamahal niya sa kanyang asawa na si Lot dahil in love rin siya sa kanyang lihim na karelasyon.

Hindi kapani-paniwala pero ito mismo ay nakasulat sa orihinal na aklat. Ano naman ang kaugnayan ng half-half lang kapag ang tao ay sumusunod sa utos ni God at paano dumami ang nabibiktima ng COVID-19?

Itutuloy

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page