4 na nagsugal ng pusoy-dos, arestado
- BRT
- May 20, 2020
- 1 min read
Isabela—Apat na lalaki ang dinakip ng pulisya nang mahuli sa aktong nagpupusoy-dos kamakalawa sa Bgy. Bliss Village, Ilagan City.
Ang mga suspek na hindi na pinangalanan ng pulisya ay pawang residente sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa pulisya na nagpupusoy-dos ang mga suspek kaya agad itong sinalakay ng mga awtoridad at inaresto ang apat na lalaki.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga baraha at cash sa pag-iingat ng mga suspek.
Inihahanda ng mga awtoridad ang kasong paglabag sa enhanced community quarantine (ECQ) at RA 1602 o illegal gambling laban sa mga suspek.





Comments