top of page

YouTuber Francis Leo Marcos, inaresto ng NBI

  • Mylene Alfonso
  • May 19, 2020
  • 1 min read

Inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation ang kilalang "YouTuber" at negosyanteng si Francis Leo Marcos at kilala rin bilang Norman Mangusin dahil sa paglabag umano sa Optometrist Law sa Baguio City .

Nasa kustodiya ngayon si Marcos, ng NBI-Cybercrime Division matapos arestuhin, bandang alas-12:00 ng tanghali habang nagpapamigay ng ayudang bigas at kalabasa sa labas ng Green Meadows Subd., Quezon City.

Wala pang ibinibigay na detalye sa pag-aresto kay Marcos ang NBI.

Gayunman, sinabi ni Marcos na may kinalaman ang kaso sa ginawa niyang pamimigay ng salamin sa mata sa Baguio City.

"Sinampahan ako ng kaso noong mga optometrist doon kasi hindi na sila kumikita nang magpamigay ako ng mga salamin sa medical mission ko noong 2010 pa 'yan," ani Marcos.

Si Marcos ay nakilala sa online dahil sa kanyang "Mayaman Challenge" kung saan hinamon niya ang mayayaman niyang kapitbahay na magbigay ng tulong sa mga mahihirap na Filipino sa gitna ng nararanasang COVID-19 pandemic.

Sa kanyang official YouTube page, siya ay may 1 milyon followers habang ilang Facebook pages at support groups ang nasa ilalim ng kanyang pangalan na may libu-libong subscribers.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page