Nahulog sa puno ng mangga, sign na maiinlab sa umaakit
- Socrates Magnus
- May 19, 2020
- 1 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Nimfa na ipinadala sa Facebook Messenger.
Dear Professor,
Umakyat ako sa puno ng mangga, tapos inaabot ko ‘yung bunga at nahulog ako. Ano ang ibig sabihin nito?
Naghihintay,
Nimfa
Sa iyo Nimfa,
Panahon ng mangga ngayon at baka maakit kang umakyat sa puno at mahulog ka. Kung sakaling gusto mong makakain ng mangga, mas magandang sungkitin mo na lang ito. Pero panahon din ngayon ng pabigla-biglang paghangin, kaya mag-ingat ka dahil baka sa pagsungkit mo, ikaw ay mapuwing.
Mas maganda yatang mag-utos ka na lang sa iba na ikuha ka ng mangga nang sa gayun ay kakainin mo na lang ito.
Sa love life, ang kahulugan ng nahulog ay fall in love. Ito rin ang ibig sabihin ng iyong napanaginipan na mahuhulog ang loob mo sa isang magugustuhan mo na umakit sa iyo.
Sa panaginip mong ito, ang payo ay huwag kang mag-ingat at huwag ka ring gumamit ng ibang tao.
Sa pag-ibig, ang maingat ay hindi gaanong lumiligaya, hadlang sa ganap na ligaya ang pagiging maingat, lalo na ang sobrang maingat. Gayundin, kadalasan ay nagsisisi ang gumagamit ng iba para lang makuha ang kursunada.
Ang panaginip sa kanyang kabuuan ay makakarelasyon ang isang kaloob sa iyo ng tadhana. Ito rin ay nagsasabing hinog na ang panahon, kumbaga, nasa tamang “timing” ang iyong magiging relasyon.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo
Comments