After madurog dahil sa classroom statement, nakabawi... KIM: PARA AKONG NAGISING SA ISANG BANGUNGOT
- Vinia Vivar
- May 19, 2020
- 2 min read

Hats-off kami kay Kim Chiu dahil talaga namang nakabangon siya nang bonggang-bongga matapos ma-bash nang walang patumangga dahil sa "classroom statement" niya.
Trending ang aktres ngayong araw sa Twitter at kung nitong mga nakaraang linggo ay bina-bash siya, this time ay puro papuri ang inani ng aktres for handling the issue well dahil ginawa niyang kanta ang kanyang classroom statement.
In-upload ni Kim ang music video ng kantang pinamagatang Bawal Lumabas (The Classroom Song) last Monday night at kabilang sa lyrics nga nito ang classroom statement niya na umani nang katakut-takot na pamba-bash.
Sa naturang video ay nagsalita na rin finally si Kim sa kanyang tunay na saloobin sa bashings na natanggap. Aminado ang aktres na talagang labis siyang nalungkot sa mga pamba-bash at hate messages na natanggap.
“Nagsara muna ako ng puso at isipan ko because of what happened. Siyempre, maraming mga taong perfect, ay, hindi, charot! Echos lang!” natatawang sabi ni Kim.
“Pero aaminin ko, hindi naman ako magla-lie to each and everyone sa inyo, I was really down the past few days, as in super down, pinakamababa pa sa basement ng parking lot,” patuloy niya pa sabay tawa.
Pero ang problema raw ay hindi dapat tinatambayan kaya nag-decide na siya to move forward.
“Ang mga problema sa buhay, ‘yan lang ‘yung mga example na magpapatatag sa karakter natin bilang tao kasi siyempre, dito sa mundo, ang daming temptations, ang daming taong makakasakit sa ‘yo. Pero alam mo naman na ‘yung taong makakasakit sa ‘yo, it will teach you how to grow, how to be yourself,” aniya pa.
Itinigil daw niya ang social media para hindi na niya mabasa pa ang mga negative remarks ng mga tao.
“I chose to stay away sa cellphone ko, kahit cellphone ko, hindi ko hawak for ilang days just to keep my sanity,” she said.
Sobrang hurtful words daw ang mga natanggap niya at hindi niya inakalang masasabi raw pala ng mga tao ang ganu’n katitinding salita.
“'Yung mga tao, pinagtawanan ‘yung sinabi ko at ako rin, honestly, natawa na lang din ako. Sabi ko talaga, ‘Shocks, 'di ko naintindihan din pala ‘yung sinabi ko, 'no? Kaya hindi ako ibinoto ng mga kaklase ko nu'n 'pag ako ‘yung pinagdedebate nila,” natatawa niyang sabi.
Pero at least daw ay maraming natawa sa mga sinabi niya kaya past is past na raw at gusto niyang i-turn ang negative into positive.
Sa ngayon ay umaabot na sa 1.3M views ang vlog ni Kim na naglalaman din ng music video ng Bawal Lumabas na siya mismo ang nag-record.
Nag-trending din sa Twitter ngayong araw ang hashtag na “BawalLumabas” kaya naman nagpasalamat ang aktres sa kanyang Instagram account.
“B𝗘𝗦𝗧 𝗚𝗜𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗘𝗩𝗘𝗥!!!!!! ♥♥♥ .G𝗢𝗢𝗗 𝗠𝗢𝗥𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗟𝗔𝗦𝗦𝗠𝗔𝗧𝗘𝗦!
“That feeling na nagising ka, trending ka ulit, kinabahan ako. Pero nu'ng nabasa ko, para akong nagising sa isang bangungot!!! Gusto ko pong magpasalamat sa lahat!!! ♥
“Things may put you down pero tayong mga Pilipino, hindi natin nakakalimutang tumawa sa gitna ng pinagdaraanan natin. Mahilig tayong tumambay pero hindi sa problema. Salamat sa lahat ng nagbigay-inspirasyon sa 'kin.
“Let's spread love, kindness and positivity. Good vibes lang ang puwede sa classroom! Tama? Tama!!!!” ang post ni Kim.





Comments