top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

2% ng populasyon sa bansa, balak isailalim sa COVID-19 testing — Palasyo

  • Mylene Alfonso
  • May 19, 2020
  • 1 min read

Balak ng gobyerno na isailalim sa COVID-19 testing ang 1.5 hanggang 2 percent ng populasyon sa bansa para sa inisyatibong expanded target testing.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa gitna ng mga panawagan sa pamahalaan na magsagawa ng mass testing para makita ang lawak ng outbreak.

Ayon kay Roque, walang bansa sa mundo ang ite-test ang bawat isa sa kanilang citizen at imposible umanong ma-test ang lahat ng 110 milyong Pilipino.

“Wala pong bansa sa buong mundo na tine-test ang lahat ng kanilang mamamayan. Kaya nga po mali ang terminong mass testing,” diin ni Roque sa virtual press briefing.

Kaugnay nito, nilinaw din niya ang kanyang sinabing hindi magsasagawa ng mass testing ang pamahalaan at pribadong sektor ang gagawa nito para sa kanilang mga empleyado.

"Maling-mali po ito,” ani Roque.

"Hindi po pinapabayaan ng pamahalaan ang expanded testing sa pribadong sektor. Partner po natin ang pribadong sektor sa bagay na ito,” saad ni Roque.

Depensa ng kalihim, ang ibig nitong sabihin ay sa expanded testing ng pamahalaan, tutulong ang private sector. Ang mga isasailalim lamang sa testing ay lahat ng mga may sintomas ng sakit, lahat ng manggagaling ng abroad, lahat ng close contacts at mga nagpositibo sa rapid antibody test results.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page