Superstar, ginaya... AKTING NI MARIAN, PASADO KAY NORA
- Erlinda Rapadas
- May 18, 2020
- 1 min read

Erlinda Rapadas / Teka Nga
Maraming pumuri sa akting na ipinakita ni Marian Rivera nang i-reenact niya ang markadong role ni Nora Aunor (as Elsa) sa highly-acclaimed movie na Himala.
Sa mga artistang napili, si Marian ang mas nagustuhan ng mga nakapanood. Pang-Best Actress daw ang atake ni Yanyan sa kanyang role as Elsa sa isang mabigat na eksena sa Himala.
At mismong ang Superstar na si Nora Aunor ay nagalingan kay Marian sa ginawa nitong version.
Kaya naman, bukod kay Judy Ann Santos, si Marian Rivera ang pumasa sa sukatan ni La Aunor bilang isang magaling na artista.
At kahit icon na si Aunor na nagkamit na ng napakaraming acting awards, may mga paborito pa rin siyang artista na kanyang hinahangaan. Ito'y sina Lolita Rodriguez, Charito Solis at Cherie Gil.
Si Lolita Rodriguez ay nakasama niya sa pelikulang Ina Ka ng Anak Mo, samantalang si Charito Solis ay nakatrabaho niya sa pelikulang Minsa'y Isang Ina na produced ng Regal Films kasama si Maricel Soriano.
Gumawa rin ng movie noon si Charito under NV Productions (movie outfit ni Guy) at nakatambal ni Christopher de Leon sa Mrs. Teresa Abad Ako po si Bing.
Samantala, si Cherie Gil ay nakasama ni Nora sa Onanay.





Comments