top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kinakausap ni Mama Mary pero ‘di maintindihan, pahiwatig na mag-novena kahit nasa bahay

  • Socrates Magnus
  • May 18, 2020
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Kristal Ann na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,

Tulad ng mga sumulat sa inyo, napanaginipan ko rin si Mama Mary. Kinakausap niya ako pero hindi ko siya maintindihan dahil iba ‘yung salita niya. Paggising ko, naalala ko pa rin si Mama Mary, kaya sabi ko sa sarili ko na magno-novena ako ‘pag puwede nang lumabas ng bahay. Tama ba ito?

Naghihintay,

Kristal

Sa iyo Kristal,

Alam mo, sa ganitong panahon, ang mga tao ay sobrang lungkot. Una, dahil bawal lumabas ng bahay at wala namang mapaglibangan, kumbaga, limitado lang ang mga galaw o gagawin. Ang mga ito ang hindi nakikitang dahilan kung bakit ang tinatawag na ESP o extra sensory perception ng tao ay kusang gumagana.

Mahirap paniwalaan ang nasabing katotohanan, pero ganito ang naranasan ng mga taong nakakita kay Mama Mary. Sila ay ng babae at dalagang hindi mahilig sa pakikipagsosyalan at limitado lang din ang mga aktibidad sa buhay. May mga lalaki rin na nakausap ni Mama Mary na natala rin sa kasaysayan ng Simbahan at mananampalataya.

Sa mga babae, si Mama Mary ay nakipag-usap. Sa una, hindi rin nila naunawaan si Mama Mary, pero sa huli ay naintindihan na rin nila ang mensahe niya, kaya malinaw na sa panaginip, si Mama Mary ang nakausap mo. Hindi mo man direktang nakuha ang kanyang mensahe, sinasabi niya na espesyal ka kaysa sa ibang kababaihan.

Kahit sarado ang mga Simbahan, ang sinumang gustong magdasal ng novena ay puwedeng magdasal sa bahay. Kaya ang payo ay mag-novena ka sa bahay mo.

Gawin mo ito dahil ipinapapalagay na habang ginagawa mo ang pag-nonovena ay makatatanggap ka ng mga iba pang mensahe mula kay Mama Mary.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page