Guys, read n'yo na 'to! ARRA, IBINULGAR KUNG ANO ANG GUSTO SA LALAKI
- Vinia Vivar
- May 18, 2020
- 1 min read

Sa recent live session ng YouLOL na Ladies Room, isiniwalat ng Bubble Gang babe na si Arra San Agustin sa mga co-stars na sina Chariz Solomon, Valeen Montenegro, Lovely Abella, Faye Lorenzo at Kim Domingo ang mga turn-on at turn-off para sa kanya pagdating sa mga lalaki.
Sey ni Arra sa mga lalaki, "Stop playing mind games" sa mga nagugustuhan nilang babae.
Dagdag pa nito, attracted daw siya kapag ang lalaki ang unang gumagawa ng move.
"Ako, gusto ko sa lalaki, sila 'yung mag-a-approach kaagad. May mga lalaki kasi, parang nakaka-intimidate, eh, 'di ba? Sila dapat 'yung [nag-a-approach]. I mean, ako, bina-value ko pa rin na sila 'yung dapat nauunang mag-approach,” sey ni Arra.
Samantala, patuloy na nagbibigay ng saya at katatawanan ang comedy channel ng GMA Entertainment Group na YouLOL. Para mag-subscribe, pumunta lamang sa YouTube account nito na www.youtube.com/YouLOLGMA.





Comments