top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

'Di naman daw mataba, mali lang ang anggulo ng camera... CLAUDINE, DAHIL SA GAMOT KAYA MAGA ANG

  • Julie Bonifacio
  • May 18, 2020
  • 2 min read

MARAMING netizens ang nagulat kay Claudine Barretto sa guesting niya sa I Feel U online show hosted by Toni Gonzaga. Tumaba kasi ulit si Claudine as compared sa huli siyang nakita in public.

Last time siyang napanood sa TV ay malaki na ang ibinawas ng kanyang timbang. At may balitang gagawa siya ng proyekto with Piolo Pascual.

Sinubukan naming kunan ng pahayag ang isang malapit kay Claudine tungkol dito at ayon sa aming source, mali raw kasi 'yung angle.

"Nasa ibaba ang phone, eh, dapat eye level kasi nakakataba talaga ang shot 'pag galing sa ibaba," sabi ng aming source.

Pangalawa, halos lahat naman daw yata ay tumaba sa lockdown.

Pangatlo at pinakaimportante, tinatapos daw ni Claudine ang medication niya for anxiety and depression para makatulog until this month.

"Ang side effects nu'n talaga is nakakataba. In Clau's case, 'yung face kasi n'ya ang unang lumalaki kaya akala mo, mataba talaga, pero 'di naman talaga masyado 'yung katawan," pahayag pa ng aming source.

Kaya kung mapapansin din daw, parang manas 'yung pagkataba ni Claudine. Once she stops na raw the cycle, mabilis magwe-wear-off 'yung pagka-bloated niya.

She needed to undergo that lang daw kasi talaga nitong mga nakaraang buwan. Hindi lang daw matanggihan ni Claudine si Congw. Vilma Santos. Dahil daw sa Star for All Seasons kaya napalabas si Claudine in public.

Ayon pa sa aming source, ayaw pa raw talaga sana muna ng malalapit kay Claudine na maging visible siya these days. Nagsisimula pa lang daw ulit mag-workout at magpapayat si Claudine to prepare for the launch of her vlog and soap opera na inalok sa aktres since last year, na dapat nga raw sana, mag-i-storycon bago nag-lockdown.

Mabilis naman daw magpapayat si Claudine. Masipag mag-workout at hindi naman malakas kumain. Nagawa na raw dati ni Claudine kaya naniniwala ang aming source na magagawa niya ulit pumayat.

Knows naman daw ng public na ang nakaraang taon ay 'di naging maganda for Claudine. Namatay ang kanyang ama at nagkaroon pa ng malaking iskandalo sa pamilya nila.

Samantala, na-curious naman ang mga netizens kung sino ang tinutukoy ni Claudine sa kanyang post sa Instagram.

Isa itong frame na may nakalagay na mensaheng, "All people have the right to stupidity, but some abuse the privilege."

Ito naman ang nakalagay na caption sa IG post ni Claudine, "My Patience Ran on empty."

Makikita agad sa comments section ang reaction ng sister ni Claudine na si Gretchen Barretto, "Oh nowho? Hmmm."

"I tell u later. call me later when you're not busy. I luv u ."

Nag-reply naman si Gretchen kay Claudine, "3 huge pigs foster family from Atis St."

'Yun na!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page