top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

2nd reading approval ng panukalang provisional franchise ng ABS-CBN, binawi

  • V. Reyes
  • May 18, 2020
  • 1 min read

Binawi matapos maaprubahan noong nakaraang linggo sa ikalawang pagbasa sa plenaryo ng Kamara ang House Bill 6732 o ang panukalang batas na layong mabigyan ng provisional franchise ang ABS-CBN Corporation na hanggang Oktubre 31, 2020.

Dahil binawi ang pag-apruba sa pagtitibay sa 2nd reading, binuksan muli ngayon ang sponsorship at debate sa panukala.

Sa mosyon sa plenaryo ngayon ni Deputy Majority Leader Wilter Palma, ikinakatwiran sa pag-recall ay upang marinig muna ang panig ng mga mambabatas na kinukuwestyon ang pagtitibay sa House Bill 6732.

Nauna nang pinuna ni Albay Rep. Edcel Lagman ang minadaling pagtitibay ng House Bill 6732 sa 1st at 2nd reading noong nakaraang Miyerkules o ang araw din na naihain ito sa Kamara. Ayon kay Lagman, ito ay labag sa Section 26 ng Article 6 ng Konstitusyon na walang panukala ang pagtitibayin ng magkasunod na pagbasa sa loob ng isang araw maliban na lang kung sertipikadong urgent bill ng Pangulo ng bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page