top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Todo-enjoy sa honeymoon, Mommy Divine... SECRET WEDDING NINA MATTEO AT SARAH, SAKTO SA LOCKDOWN

  • Mercy Lejarde
  • May 17, 2020
  • 2 min read

Just asking… may third eye ba sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli at na-sense or na-foresee na agad nila na may mangyayaring pandemic crisis this year of 2020 kaya’t sa ayaw at sa gusto ng Mommy Divine ni Sarah ay kinailangan nilang magpakasal para hindi abutan ng lockdown?

Or nalaman agad ni Matteo na may mangyayaring enhanced community quarantine 'coz nag-training siya bilang army reservist bago pa pumutok ang Corona Virus 19 pandemic?

Well, at least, swak lang sa kanila ang saying na… "Knowledge is power…” boom, ganerrrn!

So ngayon, sa malamang o sa hindi ay tipong ini-enjoy nila ang lockdown na puwedeng masabing “long-time honeymoon” ke mereseng may Covid-19 at social distancing-ek.

Di tulad ni yours truly, never na in-enjoy ang lockdown 'coz nasanay na ang byuti ko na samantalahin ang lakas pa ng katawan at isipan para i-enjoy ang kalayaang makita pa ang magagandang lugar ng ating bansang sinilangan.

Nu’ng panahon ng Martial Law ng rehimeng Marcos, tipong may kalayaan pang lumabas 'coz ang curfew ay 10 in the evening up to 5 AM.

Kaya in-enjoy namin ang aming kabataan sa pagpunta-punta sa mga disco and music bar noon sa Circuit Disco ng Heritage Hotel, Hyatt Hotel, Stargazer Disco sa Silahis Hotel kung saan nandu'n din kung minsan sina Imee at Bongbong Marcos with their dabarkads na ang isa nga ru'n ay naging mister pa ni Gloria Diaz na si Bong Daza (SLN).

Ang mahuli during curfew time ay dinadala sa Camp Karingal or sa Camp Aguinaldo para maglinis ng toilet at mag-harvest ng mga damo. Mag-harvest daw, oh! Insert smiley, J!

For sure, may mga bacteria at virus na rin noon pero walang Corona na nakamamatay, tsuk, ganern!

Sa ngayon, wala kaming magawa 'coz no work, no pay… at magkulong na lang sa balaysung with matching background music that goes… "Ibon mang may layang lumipad…kulungin mo man, umiiyak…ako pa kayang sakdal dilag… (chereettt), ang 'di magnais makalipad…” boom, zhiiboomm!

Eh, kesa naman du'n sa awiting may lyrics that goes… "Gustong kong magwala pero 'di ko magawa…” na sino nga ba ang kumanta noon, ha, Ateng Janiz? ('Wiz ko knowing Tamers, kapitbahay lang namin ang alam kong madalas nagwawala! Chereeet!).

O, siya… 'yan lang muna and I thank you.

♥♥♥

PERSONAL NOTE: Thank you so much sa aming Kapitan Cesar Dionisio, Kagawad Nino Dionisio, Health Worker Mila A. Donghit at sa staff na si Cathy de Jesus of Bgy. Ramon Magsaysay, Bago Bantay QC sa kanilang maayos na pakikitungo sa aming mga kabarangay na humihingi ng tulong ngayong panahon ng COVID-19.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page