top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Rider na pusher, timbog sa drug-bust

  • BRT
  • May 17, 2020
  • 1 min read

Sultan Kudarat—Isang rider na drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Tuka, Bagumbayan.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Miguel Castaneda, residente sa nasabing bayan.

Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang pulisya sa naturang lugar at nang pagbentahan sila ng shabu ng suspek ay agad itong inaresto ng mga awtoridad.

Napag-alaman na nakakumpiska ang pulisya ng tatlong sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.

Nakapiit na si Castaneda na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page