Kahit Kapuso star naman daw… HIRIT NG BASHERS: JENNYLYN, TODO-TANGGOL SA ABS-CBN DAHIL NAKIKINABANG
- Nitz Miralles
- May 17, 2020
- 1 min read

Nitz Miralles / Bida
May nakita kaming photos sa Instagram (IG) ng belated pero sabay na birthday celebration nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Parang sa bahay nina Dennis ginawa ang small celebration dahil kumpleto ang family ni Dennis at kasama pa nga nila si Calix, ang anak ni Dennis.
Halos magkasunod ang birthday nina Dennis (May 12) at Jennylyn (May 15) at kapag man and wife na ang dalawa, makakatipid sila dahil isang birthday celebration na lang sila.
Anyway, grabe ang mga bashers dahil pati ang pakiusap ni Jennylyn na ‘wag gamitin ang Facebook page niya para tirahin ang ABS-CBN ay ginawan ng isyu. Sabi ng mga bashers, kaya raw ipinagtatanggol ni Jen ang Kapamilya Network ay dahil ayaw niyang mawalan ng pelikula.
Gumagawa kasi ng pelikula sa Star Cinema si Jennylyn at ‘yun agad ang naisip na rason ng mga bashers.
Mabuti at hindi na sinagot ni Jennylyn ang pang-ookray ng mga bashers dahil hahaba pa ang usapan. Sana lang, sundin ang pakiusap ng aktres na ‘wag sa FB page niya magkalat ng galit sa ABS-CBN dahil labas si Jennylyn sa isyu nila sa network.
Sa good news naman tayo, ikinatuwa ng mga fans ni Jennylyn at ng GMA-7 ang balitang unti-unti nang bumabalik ang trabaho sa mga networks. Nagpi-pre-production na uli ang mga bagong shows ng Kapuso Network na natigil dahil sa Covid-19 at umaasa ang mga fans na dumating ang araw na puwede nang mag-taping uli.
Gusto na nilang mapanood ang Descendants of the Sun para muling masubaybayan ang nangyari kina Capt. Lucas (Dingdong Dantes) at Dr. Maxine (Jennylyn).





Comments