top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Dedma nu'ng Mother's Day... SARAH AT MATTEO, NAKIKIPAGMATIGASAN KAY MOMMY DIVINE

  • Erlinda Rapadas
  • May 17, 2020
  • 1 min read

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Hanggang ngayon, marami pa rin ang nagtatanong kung naalala bang batiin ni Sarah Geronimo ang kanyang Mommy Divine noong nakaraang Mother's Day. Wala kasing nai-post ang Pop Royalty sa social media na direktang greetings o pagbati kay Mommy Divine.

Maging si Matteo, hindi man lang daw nag-effort na batiin o padalhan ng flowers ang kanyang mother-in-law. Dinedma at tinikis ba nila ni Sarah si Mommy Divine?

Hindi maiaalis na magtanong ang ilang netizens dahil nakita nila ang post ni Matteo noong Mother's Day na kasama ang kanyang ina. Hindi naging maganda ang huling pagkikita ni Sarah at ng kanyang ina noong sumugod ito nang malaman na nagpakasal na sila ni Matteo na inilihim nila.

Pero, sana naman, kahit na anong galit ni Mommy Divine sa kanila ay nag-attempt sila na suyuin man lang ito upang kahit papaano ay humupa ang galit at tampo sa kanila.

But wait, baka naman nagparamdam si Sarah sa kanyang ina pero minarapat na lamang niyang ilihim upang hindi na mausisa pa ng publiko?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page