Karapatan ng akusado na makalaya sang-ayon sa batas
- Persida Acosta
- May 17, 2020
- 2 min read
Nakapaloob sa ating Saligang-Batas, partikular sa Artikulo 3, Seksiyon 13, Lipon ng mga Karapatan, ang sumusunod na probisyon:
“SEK. 13. Ang lahat ng mga tao, maliban sa mga nahahabla sa mga paglabag na pinarusahan ng reclusion perpetua kapag matibay ang ebidensiya ng pagkakasala, bago mapan ay dapat mapiyansahan ng sapat na piyador o maaaring palayain sa bisa ng panagot ayon sa maaaring itadhana ng batas. Hindi dapat bawalan ang karapatan sa piyansa kahit na suspendido ang pribilehyo ng writ of habeas corpus. Hindi dapat kailanganin ang malabis na piyansa.”
Isa sa mga uri ng piyansa na pinapayagan ng hukuman ay ang “Release on Recognizance”. Ang “recognizance” ay isang paraan kung saan maaaring makalabas ang nasasakdal mula sa kanyang pagkakakulong habang nililitis ang kanyang kaso at manatili sa pangangalaga ng isang tao na responsable sa lipunan, matapos na siya ay maghain sa husgado ng kanyang aplikasyon para makalabas sa ilalim ng Republic Act (R. A.) No. 10389 o mas kilala sa titulong “Recognizance Act of 2012.” Kinakailangan lamang na mapatunayan nito na hindi siya makapagpiyansa dahil sa lubos na pagkahikahos sa buhay (Seksiyon 3, R. A. No. 10389).
Subalit ang karapatang makalaya pansamantala sa pamamagitan ng “recognizance” ay hindi maaaring hilingin ng mga sumusunod:
“(a) The accused had made untruthful statements in his/her sworn affidavit prescribed under Section 5(a);
(b) The accused is a recidivist, quasi-recidivist, habitual delinquent, or has committed a crime aggravated by the circumstance of reiteration;
(c) The accused had been found to have previously escaped from legal confinement, evaded sentence or has violated the conditions of bail or release on recognizance without valid justification;
(d) The accused had previously committed a crime while on probation, parole or under conditional pardon;
(e) The personal circumstances of the accused or nature of the facts surrounding his/her case indicate the probability of flight if released on recognizance;
(f) There is a great risk that the accused may commit another crime during the pendency of the case; and
(g) The accused has a pending criminal case which has the same or higher penalty to the new crime he/she is being accused of” (Seksiyon 7, Id).
Ang kustodiya ng akusadong kuwalipikado at pinayagan ng hukuman matapos magsumite ng kanyang aplikasyon ay maaaring igawad sa kuwalipikadong miyembro ng barangay, siyudad o munisipyo kung saan ang akusado ay nakatira.
Marami ang itinalagang alituntunin ng batas para sa ganitong uri ng piyansa at ito ay sinusuri nang maigi ng husgado.








Comments