top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Nanlabang notoryus na tulak, dedbol

  • BRT
  • May 16, 2020
  • 1 min read

NORTH COTABATO — Napatay ang isang notoryus na drug pusher nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Inas, Mlang.

Kinilala ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Jeric Fuentespina, nakatira sa naturang barangay.

Nabatid na darakpin sana sa drug-bust operation si Fuentespina pero nanlaban ang suspek at pinagbabaril ang pulisya.

Kaagad namang gumanti ng putok ang mga awtoridad dahilan kaya napatay ang suspek.

Nakarekober ang pulisya ng baril, mga bala at 11 sachets ng shabu sa pinangyarihan ng insidente.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page