top of page
Pokwang.jpg

Kakikayan ni Iya sa pagho-host, seryosong si Atom Araullo, napapatawa

Nitz Miralles
May 16, 2020
1 min read

Nitz Miralles / Bida

Nakakatuwa ang Chika Minute segment ni Iya Villania sa 24 Oras dahil nasa bahay lang siya nagre-report, laging may special appearance ang dalawa nilang anak ni Drew Arellano na sina Primo at Leon. Nasisilip din ng viewers ang bahay nina Iya at Drew na sa napapanood namin, puno ng laruan ng mga bata.

Sa sobrang kakikayan ni Iya sa pagho-host ng Chika Minute, pati ang seryosong si Atom Araullo, napapatawa niya at minsan nga, napasaway pa niya.

Samantala, nakaisip si Iya ng isang importanteng activity habang naka-quarantine at para sa mga first-time moms na nahihirapan i- potty train ang kanilang mga anak. Ngayon ang perfect time para gawin ito dahil nasa bahay lang ang mga mommy habang nasa ECQ ang bansa.

Sa isang Facebook live session, binigyan ni Iya ng potty training tips ang mga mommy from her personal experiences. Kasama rn sa video ang dalawang anak pati ang asawang si Drew.

Mapapanood ang “Mama Iya’s Tips on POTTY TRAINING” sa kanilang FB page na Life with the Arellanos.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page