top of page
Search

Lahat ng nakasilip sa video ng ipinagagawang bahay nina Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan, nalula sa laki ng area na pagtatayuan nito. Kaya, tinawag nilang “Mega house” ang bahay na sa laki, parang mini-mall o hotel ang ipinapatayo ng mag-asawa.

Si Erik Santos nga, nagtanong kung hotel ba ang ipinapatayo ng mag-asawa dahil nga sa laki. Karamihan sa mga comments, masaya para kina Sharon dahil matutupad na ang dream nitong ipatayo ang kanilang dream house.

Kaya, kahit sinisimulan pa lang ang construction ng Mega house, may mga nagre-request na ng house tour na siguradong pagbibigyan ni Sharon at naipangako na nga niya noon pa.

Bukod sa mga anak, ang pet dogs nina Sharon ang matutuwa sa bahay ng mga Pangilinan dahil may sarili silang area, with playground pa para raw libreng nakakatakbo ang kanilang mga alaga na dumadami.

May nabanggit si Sharon na “It makes you so happy to know that many construction workers are making a living while building your home during this time of COVID.”

At marami ang construction workers na tumutulong sa itinatayong Mega house ng mga Pangilinan kaya marami ang nagkaroon ng work.

 
 

Nitz Miralles / Bida

Niresbakan ni Alessandra de Rossi ang mga bashers ng kaibigang si Heart Evangelista at sabi niya, “Tigilan n'yo si Heart. Napakarami ng natutulungan at napapasaya niya. Mga simpleng bagay, pero sa sobrang dami, ay hindi na simple ‘yun. Tulungan n'yo rin siyang maging siya. Hinahayaan ko siyang kutuhan ‘yung mga stray dogs na nire-rescue niya. Eh, malakas trip niya. Gets ko siya.”

Nakatikim tuloy ang mga bashers ni Heart kay Alex na nakakatuwa ang mga hirit na prangka, minsan masakit, pero totoo. But knowing the bashers, hindi nila titigilan si Heart at hanggang may maiki-criticize, lagi nila itong papansinin at iba-bash.

Pinayuhan na lang ang aktres na deadmahin ang mga bashers at ipagpatuloy ang pagtulong. Ang latest project nga ni Heart ay makabili ng 550 tablets para sa poor students na hindi kayang bumili ng tablet for the online schooling.

 
 

Nitz Miralles / Bida

Sunud-sunod ang endorsements ni Alden Richards at sa first half ng 2020, may five new endorsements na siya.

Sa five endorsements, ang Embassy Whiskey pa lang ang nai-launch. Ang iba gaya ng Century Tuna, isang brand ng shampoo, AMA University and Colleges at ang Oxecure Acne Solution ay online na lang ang launching, naabutan kasi ng Covid-19 at quarantine.

Sayang dahil gaya sa Century Tuna, naghanda at inihanda pa naman nina Alden at Nadine Lustre ang kanilang mga katawan at ipapakita sana sa grand reveal na never nangyari. Hindi rin nai-launch ang TVC ng shampoo nila ni Bea Alonzo na kinunan pa naman sa Bangkok, Thailand for the same reason.

Online na lang ini-launch ang AMA at nitong huli, ang Oxecure endorsement ni Alden na gamot sa body acne.

Sa post ni Alden, may spray at sulphur soap ang Oxecure na marami na ang nangakong bibili at gagamit bilang suporta kay Alden.

Samantala, may namba-bash kay Alden at sa ibang Kapuso stars dahil hindi raw maingay sa mga isyu sa bansa ngayon. Wala raw Kapuso stars na nagsasalita sa pagsasara ng ABS-CBN, walang nagsasalita tungkol sa racism at nitong huli, tungkol sa Anti-Terror Bill.

Naku naman, kapag nagsalita si Alden at ang ibang Kapuso stars sa kaso ng ABS-CBN, aakusahan silang nakikisawsaw, eh, hindi naman sila Kapamilya stars.

Tungkol sa racism at sa Anti-Terror Bill, may kani-kanyang estilo ng pagpapahayag ng sentiments ang bawat tao na hindi lang sa socmed idinadaan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page