top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

JM, aminadong takot magka-GF uli

Vinia Vivar
May 16, 2020
1 min read

Ayon kay JM de Guzman ay wala siyang karelasyon ngayon kaya naman talagang nganga ang kanyang love life during the enhanced community quarantine.

Sa online media conference ng virtual movie niyang Love Lockdown under Dreamscape Entertainment and iWant ay inamin ng aktor na takot siyang makipagrelasyon dahil may issue raw siya sa dependency.

“'Yun ‘yung issue ko, ‘yung dependency sa relasyon, sa lahat ng bagay, substance,” pag-amin ni JM.

Kaya, ito raw ang wino-work-out niya ngayon.

“'Yun ‘yung pina-practice ko, ini-strengthen ko, mina-maximize ko ngayong lockdown, mag-isa ako.

So I have to work on that pa,” sey ng aktor.

Samantala, isa si JM sa mga tumatanaw ng napakalaking utang na loob sa ABS-CBN kaya naman ngayong nahaharap ang network sa problema ay ipinapakita rin niya ang kanyang suporta.

“For me, personally, ang daming naitulong sa akin ng ABS, nabago niya ‘yung direksiyon ng buhay ko and as much as I want to na ipagsigawan ko, mahirap dahil may bangas na ‘yung past ko, and I just do it sa action na ipinapakita ko lang kung gaano naging mabait sa akin ang ABS at ibinabalik ko lang din,” he said.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page