top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

2 magsasaka, niratrat ng mga armado

  • BRT
  • May 14, 2020
  • 1 min read

Bukidnon—Dalawang magsasaka ang namatay nang barilin ng mga hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Potaon, Malinao.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na sina Jordan Sambalon, 24-anyos at Neoborne Fausto, 31-anyos, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.

Ayon sa ulat ng pulisya, habang lulan ng motorsiklo ang dalawang biktima ay biglang sumulpot ang mga suspek at agad pinagbabaril ang dalawang magsasaka.

Matapos tiyaking patay na ang mga biktima ay saka mabilis na tumakas ang mga suspek.

Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang mga suspek.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page