Notoryus na pusher, huli sa buy-bust
Zamboanga City—Isang notoryus na drug pusher ang inaresto ng pulisya sa buy-bust operation kamakalawa sa Bgy.Tetuan.
Ang suspek ay kinilalang Cisento Natividad, nakatira sa nabanggit na lungsod.
Nabatid na nagsagawa ng buy-bust operation ang pulisya sa naturang lugar at nang pagbentahan sila ng droga ni Natividad ay agad dinakip ng mga awtoridad ang suspek.
Napag-alaman na nakakumpiska ang pulisya ng limang sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Hindi naman nanlaban ang suspek, na nakapiit at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments