top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Mag-ama, dedbol sa kotse

BRT
May 13, 2020
1 min read

South Cotabato—Patay ang mag-ama nang aksidenteng mabangga ng kotse ang sinasakyan nilang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Palkan, Polomolok.

Ang mag-amang biktima ay nakilalang sina Nestor, 48-anyos at Carlo Masaglang, 24-anyos, Jose Abad Santos, Negros Occidental.

Batay sa imbestigasyon, mabilis umano ang takbo ng kotseng na minamaneho ni Jan Paul Bayron kaya nabangga nito ang kasalubong na motorsiklong kinalululanan ng mag-amang biktima.

Dinala pa ng mga saksi ang mga biktima sa pagamutan, pero kapwa sila idineklarang dead-on-arrival.

Kusa namang sumuko sa pulisya si Bayron na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to double homicide and damage to property.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page